Tula ng Lasing na Nabitin

Anino sa aking gunita
Na parang sumpa na di maangat angat
Dala ay kirot at ngiti
Sa mundong balot sa kulay at karimlan

Engkato ng maharuyong balete
Na alay ay ang pangakong wagas
Na maging alipin mo aking paraluman
Sa pagiging sawi sa pahuhumaling

O Bathala sa langit na tapat
Nakatirig sa aking pag-iiral na walang saysay
May kalayaan ba sa akit ng kundiman
Na dala ay delubyo sa damdamin

Daan na nakalantan sa akin harapan
Kailan ba kita tatahakin
Mananatili bang lump, sa gilid nakalumopsay
Nahihintay sa bukas na baka hindi darating

Puso ng taong nawawala
Na pinahamak ng sariling pagiisip
Umaasa sa bahaghari pagkatopos ulan
Na bumubos sa alapaap ng aking mata

Buhay na walang katiyakan
Na nakalaan lang sa isang sulok
Sa kabila ng malawak na kalawakan
Nananaginip pa rin na maging butiung sumisikat.