Written August 31, 2017
Sayaw ng mga dahon
Sa ihip ng hanging wakas
Sulyap ng araw at buwan
Sa ugos ng mga ulap
Alaala ng kahapon
At ngayon at bukas
Ng nagdaan at sa darating
At sa hanggang kailan.
Halik ng himig na tumataghoy
Sa palakpak ng mga punong saksi
Sa iyo at iyo magpakaylanman
Kahit panahon may lumipas
Sa buhay na ito, pati sa karimlan.